Literature

Senti

single-image

Hindi ako senti. Eh ano kong almost eight years wala akong syota? Di naman big deal yun diba? Anong gagawin ko, kung ayaw nila sa akin, e di ayaw ko rin sa kanila. Bah! Dami ba naman babae sa mundo, sa iilang feeling maganda, e magsesenti ako, hindi!

Sanay naman akong mag-isa ah. Pupunta sa Plaza, uupo, magyoyosi… bibilangin ang yosing pilit kong isinasaksak sa aking bibig, isa, dalawa… hindi ko na mabilang. Papasok ako ng sine, nag-iisa, hindi ba mukhang katawa-tawa. Katabi mo naghoholding hands, ako nama’y pilit na hinahawakan ang silya, brrr…. Ang lamig pala. Haay boring talaga.

Anyway, san ba ang tropa? Teka, ilan ba ang pera ko, uhmm… pwede ba sa isang pomelo. Hayaan mo, bukas wala nang magiging hang-over ko.

Tangna! La ba kayong ibang topic kundi si chick na ganun, si chick na ganyan, ang mamanyak nyo! Di kayo tumulad sa akin going straight ako. E ano kung palaging basted, di lang nila mareach ang level ko.

Anyway pare, kung mahal ka noon di ka niya gaganunin. Heto na naman ako, the preacher na, guidance counselor pa. Dami ko yatang natulungan, o nautong ibang tao na naniwala naman sa mga pinagsasabi ko. Yun nga lang it is all about their own problems and not mine. Wala naman akong problema eh.

But I hate to admit, we’re talking about love, nabigo siya, nag-away sila, nagkatampuhan, naglokohan, humanap si lalake ng iba, si babae naman ayun humanap din. Ang gulo no? Kaya nga ayaw ko na yatang pumasok sa magulong mundo ng mga inlove.

Ilang taon na 7 years? Tagal na nun ah! Di ka man lang ba naghahanap? Para ano pa, gastos lang yun at saka marami pa akong priorities sa life. Mas mabuti pang magbuting-ting na lang ako ng computer, alam ko pa kung ano ang pwede kong palitan at ayusin, diyan sa pag-ibig… ang hirap!

Yeah I admit, lahat ng niligawan ko, sinabihan ko ng I love you. Mapasulat, mapapersonal alam na nila yun. But always na say nila, eh kuya… or friends na lang tayo… Tama ba yun? Kasalanan ko bang hindi ako saksakan ng guwapo, at hindi ko man lang ma-hypnotize ang mga nililigawan ko. Sino bang may pangkulam diyan?

Naiinis na ako. Namiss ko na siya. Ang tanging babae mamahalin ko sana, pero andaming pagkakataon na sasabihin ko na, pero hayun ang daga hinabol na naman ng pusa!

Tuwing nagmomotor ako, hanap ko siya ng aking mata, sana makasalubong ko’t ngitian niya. Pero ubos na ang biente ko sa isang litro kong gasolina, my only remaining money, wala pa rin kahit man lang anino niya.

Pero alam niyo di ako nagsesenti, talagang wala lang. Wala akong maisip kundi ang mata niya, shit! Pare, nakita mo ba siya? Gumaganda ba? Ano may boyfriend pa rin ba? Bugbugin kaya natin? Di ako desperado no? talagang iba kasi siya… pero baka naman meron ka pang ibang pwedeng ipakilala sa akin, bilis-bilisan mo ha. Baka kasi matagalan ay mababaliw na ako sa kakaisip sa kanya. Sige na, sige na…. tama na! Di ako nagsesenti.

Written in College
September 4, 2003

Leave a Comment

Your email address will not be published.

You may also like